BAKUNADONG DAVSUR GOV, PATAY SA COVID-19

0

PUMANAW sa edad na 77 ang gobernador ng lalawigan ng Davao del Sur matapos dapuan ng kumplikasiyon sa COVID-19 habang ginagamot sa isang ospital sa Digos City, Davao del Sur kahapon.

Mismong kanyang pamilya ang nagkumpirma sa pagkasawi ni Davao del Sur Governor Douglas Cagas habang nakaratay sa Medical Center of Digos Cooperative alas-5:30 ng madaling araw.

Matatandaan na nagpabakuna pa ang opisyal para sa COVID-19 nitong nakaraang linggo, pero makalipas ang ilang araw ay humina ang kalusugan at dinala sa nasabing ospital noong Huwebes at ilang araw na nakipagbuno kay kamatayan hanggang sa sumakabilang buhay kahapon.

Nag-umpisa ang karera ni Cagas sa pulitika bilang assemblyman noong dekada 80, hanggang naging congressman mula 1998 hanggang 2007.

Nagsilbi rin ito bilang gobernador ng probinsiya mula 2007 hanggang 2013, 2016-2019 at 2019 hanggang sa kasalukuyan.

Nagluluksa ngayon ang buong probinsiya ng Davao del Sur at inilagay na rin sa half mast ang watawat ng Pilipinas sa Kapitolyo ng lalawigan. (BONG PAULO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment