BALANGIGA BELLS, UUWI NA SA DISYEMBRE 15

Balangiga bells

LEYTE – Tiyak nang maiuuwi sa bansa ang makasaysayang Balangiga bells sa darating na Disyembre 11 ngayong taon.

Inanunsyo ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa joint meeting ng Regional Peace and Order Council, Regional Development Council, at Regional Disaster Risk Reduction and Management Council sa Ormoc City.

Aton kay Lorenzana, isang simpleng seremonya lamang ang isasagawa sa Villamor Airbase sa Pasay City kapag  dumating ang makasaysayang kampana.

“Yung bells of Balangiga are coming back home on December 11 in the morning in a very simple ceremony in Villamor Air Base,” ani Lorenzana.

Magkakaroon ng handover ceremony sa pagitan ng Department of National Defense (DND) at ng US Department of Defense at US Pacific Command.

Inaasahang dadalhin ito sa bayan ng Balangiga sa Eastern Samar sa December 15 kasabay ng pagsisimula ng Simbang Gabi.

5

Related posts

Leave a Comment