LALAKING NAGSUKBIT NG BARIL SA SHORTS: PUTOL ANG ARI, KULONG PA

BARIL-7

ILOCOS SUR – Putol na ang ari kaya wala nang kaligayahan ang 50-anyos na lalaki, tapos sa kulungan pa ang kasasadlakan ng isang lalaki makaraang aksidenteng pumutok ang sukbit nitong paltik sa kanyang short pants.

Nagpapagaling ngayon sa ospital ang lalaking hindi na pinangalanan matapos putulin ang kanyang ari na siyang napuntirya ng pumutok na baril.

Kapag gumaling na siya, tiyak didiretso siya sa selda dahil sa kasong illegal possession of firearms ang isinampa laban sa kanya, ayon sa pulisya.

Ayon sa pulisya, batay sa paunang imbestigasyon ay sinabi ng suspek na may bumaril sa kanya at tinamaan siya sa ari.

Subalit, nang magsiyasat ang pulisya ay lumitaw na isinuksok ng lalaki sa suot na short ang kanyang baril, ngunit nakalimutan niya itong tanggalin nang siya ay umihi.

Dito, nakalabit nito ang gatilyo kaya pumutok at nasapol ang kanyang ari.

Agad namang naisugod sa pagamutan ng kanyang mga kasama sa bahay ang lalaki.

4

Related posts

Leave a Comment