BOMBAHAN TULOY SA MAGUINDANAO

war11

HINDI tinatantanan ng military ang pagtugis sa armadong terorista kasabay ng kaliwa’t kanang pambobomba sa Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief,Major General Cirilito Sobejana hindi nila tantantanan ang pagtugis sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa SPMS Box at Liguasan Delta sa Maguindanao.

Tatlong paksiyon ng BIFF ang target ng military na pinamumunuan nina Kumander Bungos,Kumander Karialan at Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife.

Kabilang rin sa tinutugis ng militar ang mga dayuhang terorista na nakipag-alyansa sa BIFF.

Patuloy namang namahagi ng tulong ang Provincial Government ng Maguindanao sa ilang pamilya na lumikas sa operasyon ng militar.

Pinakiusapan din ni Sobejana ang publiko na huwag matakot sa mga putukan at pambobomba dahil tinitiyak ng military ang kaligtasan ng sibilyan sa lugar.

 

84

Related posts

Leave a Comment