CHIEF OF POLICE ARESTADO SA ENTRAPMENT OPERATION

tanza

(NI NICK ECHEVARRIA)

INARESTO ng mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force (CITF) at PNP-Intelligence Group (IG) ang Chief ng 402nd Cavite Maritime Police Station sa isang entrapment operation Biyernes ng umaga ng alas-7:00.

Isinagawa ang entrapment sa loob mismo ng nabanggit na police station sa Bgy. Julugan V. Tanza, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay P/Supt. Armandy Dimabuyo matapos nitong tanggapin ang iniabot na marked money na nagkakahalaga ng P18,000 mula sa complainant.

Nag-ugat ang isinagawang operasyon makaraang ireklamo ng mga may-ari ng mga bangkang-de-motor sa nabanggit na lugar na hinihingan  umano ng inarestong suspek ng P19,000 hanggang P21,000 kada buwan ang samahan ng mga mangingisda.

Nasa kustodiya na ngayon ng CITF ang suspek para sa kaukulang disposiyon habang inihahanda ang mga kaso na kakaharapin nito.

80

Related posts

Leave a Comment