CLOUD SEEDING UMPISA NA SA SABADO

cloud seeding1

(NI JG TUMBADO)

NAKATAKDA nang isagawa sa Sabado ang cloud-seeding operations sa ilang probinsiya sa Region 11 at 13 na apektado ng matinding tagtuyot dulot ng El Nino phenomenon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang pagsasagawa ng cloud-seeding operations ay inirekomenda sa nabanggit na rehiyon.

Sa datos ng NDRRMC, nakapagpalabas na ng P18.3 million na pondo sa mga regional office ng Department of Agriculture (DA) para maisagawa ang operasyon katuwang ang Philippine Air Force.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Usec. Ricardo Jalad, ginagawa ng gobyerno ang lahat para matiyak na may sapat na tubig ang publiko.

Noong Miyerkoles, pinulong ng NDRRMC ang ilang ahensya ng gobyerno para talakayin ang mga hakbang sa epekto ng El Niño.

Sinabi naman ni Philippine Air Force spokesperson Major Aristides Galang na gagamitin sa naturang operasyon ang aircraft ‘nomad’ mula sa 900th air Force weather group na mag uumpisa sa Cauayan, Isabela kung saan nasira ang lahat ng mga pananiman doon.

215

Related posts

Leave a Comment