CONVENIENCE STORE CREW PINOSASAN NG HOLDAPER

CAVITE – Nagdeklara ng holdap at pinosasan ang mga empleyado saka tinangay ang tinatayang P43K cash na kita ng isang sangay ng kilalang convenience store sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Linggo ng umaga.

Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang dilaw na motorsiklo at tumakas sa direksyon ng Tanza proper.

Ayon sa ulat, pumasok ang mga suspek sa nasabing convenience store sa Brgy. Biga, Tanza, Cavite bandang alas-8:30 ng umaga at nagpanggap na mga customer.

Nang mapansin na wala pang customer, naglabas ng ‘di nabatid na kalibre ng baril, nagdeklara ng holdap ang mga suspek at pinosasan ang shift leader na si alyas “James” saka tinangay ang tinatayang P43,000 cash na kita ng tindahan.

Matapos makulimbat ang pera, tumakas ang mga suspek sakay sa isang motorsiklo patungo sa direksyon ng Tanza town proper.

Ito ang pangalawang beses na hinoldap ang nabanggit na convenience store. Una itong hinoldap noong Mayo 24, 2024 bandang alas-2:30 ng madaling araw at tinangay ang P45,000 kita ng tindahan. (SIGFRED ADSUARA)

49

Related posts

Leave a Comment