DEPED NAGLULUKSA SA 11 PUPILS NA NAMATAY SA AKSIDENTE

CEBU

(NI MAC CABREROS)

NAGPAABOT ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa pamilya ng 11 katao karamihan ay mga batang estudyante sa aksidente sa Boljoon, Cebu nitong Biyernes.

“We  extend our sincerest condolonces to the bereaved families,” ayon sa DepEd sa statement.

Sa ulat, galing sa Nangka Elementary School at San Antonio Integreated Elementary Schools ang mga estudyante, magulang at dalawang guro patungo sa pagdiriwang ng ‘Health Week’ ng nasabing bayan nang maaksidente ang kanilang sinakyang dump truck at nahulog sa bangin.

Ang truck ay hiniram lamang ng mga guro sa Pamahalaang Bayan ng Boljoon.

Masusing binabantayan ng mga awtoridad ang kalagayan ng mga nasugatan na dinala sa ospital kung saan ginagawan ng paraan ng Regional Office na matustusan ang gastos ng mga ito.

Hinikayat din pamunuan ng DepEd sa mga kinauukulan ng laging isalang-alang ang kakapanan ng mga bata kapag gumawa ng out-of-school activities.

161

Related posts

Leave a Comment