(NI NICKE ECHEVARRIA)
MAGSASAGAWAng adjustments ang pambansang pulisya sa kanilang deployment kaugnay sa pagdeklara ng Commission on Elections (Commission on Elections) sa buong Mindanao ng category red bilang election hotspot.
Kasabay ang pagtiyak ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson P/Col. Bernard Banac na gagampanan nilang mabuti ang kanilang mandato sa pagbibigay seguridad at kaayusan sa May 13 election.
Ang category red ay bunga ng naitalang mga election-related incidents sa nakalipas na dalawang halalan, kaakibat ang seryosong banta mula sa mga armadong grupo tulad ng; New People’s Army (NPA), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Abu Sayyaf Group (ASG), at “rogue elements” ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Maliban sa Mindanao, kabilang din sa mga isinailalim sa category red ang lalawigan ng Abra, Jones sa Isabela, Lope de Vega at Northern Samar.
Posible namang mapasailalim sa Comelec control ang mga lugar na kabilang sa category red at maaring utusan poll body ang PNP at AFP na magdagdag ng kanilang pwersa sa mga nabvanggit na lugar anumang oras sakaling kailanganin.
