DRUG GROUP LEADER, 3 PA ITINUMBA

LAGUNA – Patay ang apat na kalalakihan, kabilang ang umano’y lider ng drug group, makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang nasa loob ng auto shop sa Brgy. San Vicente, Biñan City noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina James Anthony Alonalon, 40, residente ng Barangay dela Paz, ang magkapatid na sina Carlo Tanael at Custer Tanael na parehong taga Barangay San Vicente at si Jason Mangahis Ong, 43, taga Barangay Macabling, Sta. Rosa City.

Batay sa report ng Binan City Police, ang apat ay nasa loob ng Creative Design Tarpaulin and Auto Shop na pag-aari ni Alonalon, nang dumating ang walong armadong kalalakihan at pinagbabaril ang mga ito.

Agad ding umalis ang mga suspek matapos ang pamamaril at sumakay sa hindi natukoy na mga sasakyan.

Ayon sa pulisya, Alonalon ay lider ng Alonalon drug group na nag-o-operate sa Biñan City at karatig na mga lungsod.

Dati na rin itong naaresto ng Sta. Rosa City Police noong 2018 dahil sa kasong pagtutulak ng ilegal na droga ngunit nadismiss ang kaso laban dito.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (CYRILL QUILO)

129

Related posts

Leave a Comment