10 TULAK LAGLAG SA DRUG BUST

BULACAN – Sampung hinihinalang drug peddlers ang nadakip ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ikinasang serye ng buy-bust operation sa Meycauayan City, Paombong at dalawa pang bayan sa lalawigang ito, noong Linggo.

Kinilala mg pulisya ang mga nadakip na sina Mark Anthony Reyes, Steve Jake Lopez, Miguel Banez, Rommel Dela Cruz, pawang residente ng Barangay Bangcal, Meycauayan City; Julius San Juan at Rizalina Villanueva, kapwa ng Barangay Sumapang Bata, Malolos; John Leo Valmeo ng Barangay Pantubig, San Rafael; Felix Calano, Ferdinand Halosco at Michael Pulyente, pawang ng Barangay Minuyan, San Jose del Monte.

Nabatid na magkakasunod na naglatag ng buy-bust operation ang mga tauhan ng SDEU sa mga siyudad at bayan ng Meycauayan, Paombong, San Jose del Monte at San Rafael at nakorner ang sampung drug pusher nang kumagat sa operasyon.

Nakakuha ang awtoridad ng kabuuang 26 pakete ng shabu at buy-bust money sa nasabing anti-drug operations at kaagad isinailalim sa drug test ang sampung hinihinalang mga tulak na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (GINA BORLONGAN)

256

Related posts

Leave a Comment