DYOWA, LALAKING PINAGSELOSAN PATAY SA MANGINGISDA

BATANGAS – Bunsod nang matinding selos, pinagsasaksak ng isang mangingisda ang kanyang live-in partner at ang lalaking pinagbibintangan nitong karelasyon ng ginang sa Brgy. San Piro sa bayan ng Balayan, noong Biyernes.

Agad nadakip ng mga awtoridad ang suspek na si Remegio Doble, 38-anyos, nahaharap sa kasong murder.

Dead on arrival sa ospital ang 35-anyos na biktimang caretaker ng isang bahay na si Edison Garilao dahil sa malubhang sugat sa leeg at dibdib.

Hindi rin umabot nang buhay sa pagamutan ang 36-anyos na si Analyn Alico, live-in partner ng suspek, na tinamaan ng tatlong saksak sa katawan.

Batay sa report ng Balayan Police, nag-away ang magka-live-in sa kanilang bahay hanggang sa mauwi sa pananaksak ng lalaki sa ginang.

Pagkaraan ay tinungo ng suspek ang biktimang si Garilao sa bahay na binabantayan nito at inundayan ng saksak.

Isinugod sa ospital ang dalawang biktima subalit kapwa nalagutan ng hininga. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment