EFFIGY NG ‘MOMO’ SINUNOG NG PULIS, ESTUDYANTE

momo1

(NI KIKO CUETO)

PINANGUNAHAN ng mga pulis at estudyante sa Butuan ang pagsusunog ng isang effigy ng ‘Momo’ para palakasin ang loob ng mga kabataan at ipamulat na huwag sumakay sa ganitong online na pakulo na nagreresulta sa viral suicide scare.

Ginawa ang panununog sa effigy sa flag raising ceremony sa Libertad Elementary School, Butuan City sa Caraga region.

“Hindi siya totoo at hindi dapat katakutan ng mga bata, kaya sinunog yan sa harapan nila at mismong ang mga estudyante ang sumunog, para ipakita na sila ang nasa upperhand na mawala ang takot nila,” ayon kay CARAGA Regional Director, Police Brigadier General Gilbert Cruz.

Sinabi ni Cruz na may kaso sila na ang isang 10-taong gulang na bata ay na-trauma dahil sa Momo app.

Pinaalalahanan na rin ng PNP ang mga magulang at mga guardians na bantayan ang mga pinapasok na websites ng mga anak.

Maaari rin umanong magsumbong ang mga tao sa mga may alam kaugnay sa “Momo Challenge” sa PNP ACG hotline 414-1560 o sa pagbisita sa pinakamalapit na Anti-Cybercrime Unit.

91

Related posts

Leave a Comment