EX-MAYOR NG ZAMBALES HULI SA ARMAS, BALA 

zambales

(NI JG TUMBADO)

DINAKIP ng pulisya ang isang dating alkalde sa bayan ng San Antonio, Zambales na si Romeo Lonzanida sa ikinasang pagsalakay sa kanyang pag- aaring sakahan bunsod ng pag iingat ng iba-ibang uri ng armas araw ng Martes.

Nabatid sa report kay Police Captain Marvin Domacena, hepe ng San Antonio municipal police, isinagawa ang operasyon laban sa 85- taong gulang na si Lonzanida, pasado alas 3 ng madaling araw sa Sitio Nangalisan, Barangay Burgos sa bisa na rin ng search warrant.

Nakumpiska mula sa posesyon ng dating alkalde ang ilang piraso ng mga baril at bala na pawang walang mga dokumento.

Bukod sa kasong illegal possession of firearms ay may ilan pang mga kasong nakabimbin si Lonzanida na ilang warrant of arrests bunsod sa kinakaharap nitong mga kasong graft.

Dati nang ipinaaresto si Lonzanida ng Sandiganbayan kaugnay ng ilang mga kasong kriminal kabilang ang falsification of public documents.

194

Related posts

Leave a Comment