FIESTA SA TURNOVER NG BALANGIGA BELLS

bells

MASISIGLANG musika at mistulang malaking piyesta ang isinalubong ng mga residente ng Balangiga, Eastern Samar sa paghahanda ng turnover ceremony nito ngayon.

Hindi magkamayaw ang mga tao sa tuwa sa pagkakabalik ng makasaysayang kampana na nawalay sa kanilang bayan ng 117 taon.

Nasa sentro ang tatlong kampanang nakapatong sa pulang tela habang sa paligid nito ay umiikot ang banda na umaga pa lamang nagpapatugtog na ng masasayang awitin.

Galing ng Amerika, dumating sa bansa ang kampana noong Martes. Ang makasaysayang Balangiga bells ay kinuha ng mga sundalong Amerikano noong 1901 sa pagtatapos ng Philippines-American war. Tumagal ng ilang dekada ang negosasyon sa pagitan ng dalawang bansa hanggang magpaubaya ang Amerika at isauli ang kampana.

Magsasagawa ng thanksgiving mass at pansamantalang ilalagay ang mga kampana sa gilid ng simbahan matapos na pormal itong mai-turnover sa kanila.

8

Related posts

Leave a Comment