‘FLOATING COCAINE’ ‘DI MAUBOS; 36 PAKETE NALAMBAT SA DAVAO

cocaine1

HINDI maubos-ubos ang paglutang ng mga sinasabing cocaine sa karagatan kung saan sa Caraga town sa Davao Oriental, ayon sa awtoridad, Lunes ng umaga.

Umaabot sa 35 pakete ng hinihinalang cocaine ang nalambat ng dalawang mangingisda sa Barangay Santiago, ayon kay Senior Insp. Fidelito Viola, police chief.

Nakumpirmang cocaine ang mga ito ay nagkakahalaga ng P200 milyon.

Naglutangan din ang mga pakete ng cocaine na nagkakahalaga ng daang milyong piso sa mga karagatan ng Dinagat at  Siargao islands, at sa Surigao Del Sur, Camarines Norte gayundin sa Quezon provinces.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na posibleng ginagamit ang Pilipinas bilang transshipment point ng cocaine kung saan posibleng inire-repack sa bansa ang kontrabando bago ibinibyahe sa sa mga kalapit sa bansa tulad ng Hongkong, Taiwan, at China.

87

Related posts

Leave a Comment