HEPE NG BRGY. TANOD PINATAY SA DUYAN

LAGUNA – Patay ang isang hepe ng mga barangay tanod matapos na ratratin ng hindi kilalang suspek habang nagpahinga sa duyan sa harap ng kanyang bahay sa Calamba City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Tadtad ng tama ng bala ang biktimang si Arturo Jasminola, 57, hepe ng mga tanod ng Barangay San Cristobal.

Binawian ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Calamba Doctor’s hospital.

Batay sa report ng Calamba City Police, dakong alas-4:00 ng hapon, nasa duyan ang biktima nang dumating ang suspek at pinagbabaril ito. Agad ding tumakas ang suspek makaraan ang pamamaril.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

60

Related posts

Leave a Comment