HIGIT 1K MANGGAGAWA NAWALAN NG TRABAHO SA LINDOL

DOLE12

(NI BONG PAULO)

KIDAPAWAN CITY – Nasa 1,012 katao ang nawalan ng trabaho sa Kidapawan City matapos  huminto ang operasiyon ng ilang mga establisiemento habang ang iba naman ay tuluyan nang nagsara dahil sa nasirang  mga gusali.

Ito ang sinabi ni Department of Labor and Employment o DOLE Regional Director Sisinio Cano sa pinakahuling datos na kanilang nakuha mula sa DOLE-North Cotabato.

Posible pa umanong madagdagan ito dahil ang nasabing datos ay karamihan mula sa Kidapawan at hindi pa nila nakukuha ang ibang detalye sa iba pang mga bayan na naapektuhan din ng lindol.

Karamihan sa mga nawalan ng trabaho ay ang mga empleyado ng malalaking malls.

Dahil dito, may programa umano ang SSS na unemployment insurance sa mga kawani na nawalan ng na maaring makakuha ng ayuda na hanggang dalawang buwan na sweldo na maibibigay.

Maliban dito ay nagdownload na rin ang DOLE 12 ng P2.3 milyung pondo para pansweldo sa mga maha-hire na manggagawa ng DOLE-North Cotabato.

 

174

Related posts

Leave a Comment