Kakasuhan sa Taguig Regional Trial Court ang itinuturing na cyber expert ng Maute – ISIS Group.
Si Sohaylie Mohhamad Cader na nahuli ng pulisya sa Barangay Lumbac sa bayan ng Binidayan, Lanao del Sur noong Nobyembre 16.
Inaasahang patung-patong ang ihahaing mga kasong kriminal laban kay Cader.
Ang 22-taong-gulang na si Cader ay itinuturing na mahalagang tao sa ISIS dahil sa kanyang malawak na kaalaman sa computer technology na labis ang halaga sa paghahasik ng terorismo ng ISIS sa maraming bansa at pagrerekrut ng mga kasapi ng teroristang grupo sa bansa.
Dahil sa pangananib na terorista si Cader, P3 milyon ang nakapatong sa kanyang ulo upang madakip siya.
Si Cader ay kanan ni Dr. Abu Dar, ang amir ng Islamic State sa buong Southeast Asia.
Si Cader ay dinala na sa Metro Manila kamakalawa upang sampahan ng mga kaukulang kaso sa Taguig City Regional Trial Court.
112