22-ANYOS CYBER EXPERT NG MAUTE-ISIS KAKASUHAN SA KORTE

ISIS CYBER EXPERT

Kakasuhan sa Taguig Regional Trial Court ang itinuturing na cyber expert ng Maute – ISIS Group. Si Sohaylie Mohhamad Cader na nahuli ng pulisya sa Barangay Lumbac sa bayan ng Binidayan, Lanao del Sur noong Nobyembre 16. Inaasahang patung-patong ang ihahaing mga kasong kriminal laban kay Cader. Ang 22-taong-gulang na si Cader ay itinuturing na mahalagang tao sa ISIS dahil sa kanyang malawak na kaalaman sa computer technology na labis ang halaga sa paghahasik ng terorismo ng ISIS sa maraming bansa at pagrerekrut ng mga kasapi ng teroristang grupo sa…

Read More