(NI NOEL ABUEL)
TINIYAK ni Senador Christopher Bong Go na nagpapatuloy ang monitoring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagayan ng mga mamamayan sa mga lugar sa Mindanao na nakakaranas ng paglindol.
Ayon sa senador, naka-deploy aniya ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para agad na matugunan ang pangangailangan ng local government units (LGUs).
Kabilang umano sa mga ahensya ng gobyerno na umaalalay sa mga residente sa Mindanao ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of Health (DOH) at Office of Civil Defense (OCD).
Sinabi ni Go na plano rin nitong bisitahin muli ang mga biktima ng lindol sa North Cotabato at Davao del Sur upang ipakita sa mga ito na hindi tumatalikod ang pamahalaan sa obligasyon sa mga Filipino.
Kinumpirma ni Go na plano niyang ipasyal ang mga batang biktima ng lindol sa Davao para makalimutan nila ang trauma ng nangyari sa kanila.
Maliban pa ito sa mga dadalhin niyang pagkain at iba pang tulong para mabawasan ang pasanin ng mga biktima.
173