LABI NI REP. BATOCABE IBUBUROL SA KANILANG BAHAY SA ALBAY

BATOCDABE

MAGSISIMULA na ngayon ang burol sa pinaslang na Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe sa kanilang tahanan sa Daraga, Albay, ayon kay House Acting Secretary General Dante Roberto Maling.

Inaasahang isa sa mga makikidalamhati si Speaker Gloria Macapagal Arroyo na nagpakita ng galit at agad na iniutos ang agarang paglutas sa kaso ni Batocabe na itinuring niya kaalyado at malapit na kaibigan. Si Batocabe, kasama ang police escort na si Senior Police Officer 1 Orlando Diaz ay pinagbabaril Sabado ng hapon habang pasakay ng kanilang sasakyan. Katatapos lang mamigay ng pamasko ni Batocabe sa covered court sa Barangay Burgos, Daraga Albay nang maganap ang insidente.

Agad namang bumo ang Philippine National Police ng special task force na tututok sa imbestigasyon at paglutas sa kaso./jda

6

Related posts

Leave a Comment