(NI ABBY MENDOZA)
SA mga nagnanais pa rin ng malamig na klima, magtungo na sa Baguio City.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical.Astronomical Services Administrtion(PAGASA) ramdam pa ang hanging amihan sa Baguio City subalit panandalian na lamang ito at sa mga susunod na linggo ay asahan na ang pagpasok ng panahon ng tag-init.
Kahapon ng alas 5:00 ng madaling araw ay nakapagtala ng 11.8 degree celsius sa Baguio, mas malamig ito kumpara noong Martes na nasa 12.5 degree celsius.
Sinabi ng PAGASA na asahan na ang paghina ng hanging Amihan at maghanda na sa panahon ng tag init kung saan ibinabala ng ahensya ang El Nino Phenomenon.
Dala ng El Nino ay mas mababa ang dami ng ulan sa ilang probinsya sa bansa sa mga susunod na buwan kaya makakaranas ng tagtuyot samantala ang init factor o maalinsangang hangin ay maaring umablot umano ng hanggang 40 degree celsius.
Ang El Nino ay maaari umanong maranasan sa kalagitnaan o sa katapusan ng buwan ng Marso at maaari itong tumagal ng ilang buwan.
181