LARAWAN NG ‘COTABATO BOMBERS’ INILABAS

cotabato

INILABAS na ng pulisya ang dalawang katao na sinasabing sangkot sa New Year’s Eve bombing sa Southseas Mall sa Cotabato City na pumatay sa dalawa at ikinasugat sa mahigit 30 iba pa.

Ang mga suspect umano ay nakita sa ikalawang palapag ng mall at may dalang maliit na containter na katulad ng laki ng beauty cream, ayon kay Supt. Oliver Modias, chief of Special Investigation Task Group Southseas. Nakita rin sa CCTV ng mall na dalawang lalaki ang nag-iwan ng maliit na pakete malapit sa lotto outlet sa labas ng entrance mall.

Nakita ng isang saleslady ang container kung saan tumawag na ng pulis para suriin ang pakete. Nabatid na isa rin itong improvise device na kalaunan ay pinasabog din ng pulisya.

5

Related posts

Leave a Comment