LIVE-IN PARTNER PATAY SA AMOK NA MAGSASAKA

SAMAR – Target ng malawakang manhunt operation ang isang 51-anyos na magsasaka makaraang patayin sa saksak ang kanyang kinakasama habang tatlong iba pa ang nasugatan sa insidente sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Eastern Visayas PNP, kinilala ang suspek na si Liberato Cabubas, naninirahan sa Barangay Moboob, sa bayan ng San Jorge.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Jennifer Santiago, 40, health worker at residente rin sa nasabing barangay.

Lumitaw sa pagsisiyasat, umuwing lasing si Cabubas na bigla na lamang nilapitan ang biktima at pinagsasaksak.

Nasugatan din ang isang magsasaka at dalawang guro na tumangkang umawat sa suspek at tumulong sa biktima.

Isinugod sa ospital si Santiago at iba pang mga sugatan ngunit idineklarang dead on arrival ang una.

Ayon kay Capt. Michael Ray Cañete, hepe ng San Jorge Police, tinutugis na ang suspek habang inaalam ang motibo nito sa pananaksak. (JESSE KABEL)

67

Related posts

Leave a Comment