BARANGAY CAPTAIN PATAY SA AMBUSH

LAGUNA – Dead on arrival sa pagamutan ang isang barangay captain makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa bayan ng Bay sa lalawigang ito, nitong Linggo.

Ayon sa ulat ni Laguna Provincial Police Director, Col. Serafin Petalio kay Calabarzon Police Regional Director, Brig. Gen. Felipe Natividad, kinilala ang biktimang si Barangay Captain Arnold Martinez, 54, ng Brgy. Tranca.

Napag-alaman, dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang nag-ikot bandang alas-9:30 ng umaga sa Bitin-Sto. Tomas Road sa Brgy. Tranca.

Pagkaraan ay bigla na lamang pinagbabaril ang biktima saka mabilis na tumakas patungong Sto. Tomas, Batangas.

Mayroon nang anggulong iniimbestigahan ng pulisya hinggil sa insidente. (CYRILL QUILO)

72

Related posts

Leave a Comment