MAG-AMIGA, 1 PA ARESTADO SA DROGA

CAVITE – Arestado ng Cavite police ang magkaibigang babae at isang lalaki na luminya sa pagtutulak ng ilegal na droga, sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Dasmariñas City.

Kinilala ang mag-BFF na sina Maricel Vasquez, 42, at Jasmin Hernandez, 30, at Edwin Rogelio, 43, pawang residente ng Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ayon sa ulat ni Corporal Lorenzo Cawaling ng Dasmariñas City Police, dakong alas-9:30 noong Lunes ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (DEU) at PDEA 4A, sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City kung saan target ang dalawang babae.

Magkasamang nagplano ang dalawa para makipagtransaksyon sa poseur buyer at isinama pa nila si Rogelio.

Ngunit hindi nila sukat akalain na pulis pala ang kanilang kausap na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlo.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang anim na sachet ng shabu at buy-bust money. (SIGFRED ADSUARA)

 

44

Related posts

Leave a Comment