(NI DONDON DINOY)
DAVAO CITY– Malaki umano ang posibilidad na ma-extend pa ang Martial Law sa Mindanao ngunit ipatutupad na lamang sa ilang piling lugar.
Una nang sinabi ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPPAP) Sec. Carlito Galvez Jr., na kanilang inirekomenda na piliin na lamang ang mga lugar na isasailalim sa batas militar dahil may ilang lugar na sa Mindanao ang payapa at wala ng banta ng mga terorista.
Ngunit nilinaw ng opisyal na tanging ang mga ground forces pa rin ang makapagsabi kung kinakailangan na ipapatupad ang Martial Law dahil sila ang nakaaalam sa sitwasyon sa isang lugar kung may mga banta pa rin sa seguridad.
Ang desisyon sa extension ng Martial law ay nakatakdang desisyonan ng Kongreso bago magtapos ang kasalukuyang taon.
165