MAYORALTY BET SA MARILAO AYAW SUMUKO SA PULISYA: ‘HOSTAGE ME’

AJ GOLEZ

Nagmamatigas ang dating bise-alkalde ng Marilao, Bulacan na hindi siya susuko kahit pa napaliligiran ng pulisya ang kanyang tahanan.

Nagsimulang magkulong sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, Marilao si Andre Santos mula nang dumating kahapon ang arresting team ng pulisya matapos maglabas ng warrant of arrest ang Parañaque City Regional Trial Court laban sa kanya sa kasong qualified theft.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ni Santos na

BULACAN
Nakaantabay sa harapan ng bahay ni dating Vice Mayor Andre Santos ang mga pulis Marilao matapos itong magkulong sa loob ng kanyang bahay dahil aarestuhin siya ng mga awtoridad sa kasonbg qualified theft. Kuha Ni AJ GOLEZ

kumandidatong alkalde noong 2016 elections.

Ayon sa pulisya, naging marahas umano si Santos na armado ng baril at granada.

Hindi na rin ito lumabas sa kanyang bahay at nakikipag-usap na lang sa mga pulis sa

amamagitan ng telepono.

Sa video call ng mga mamamahayag kay Santos, ipinakita nito ang kanyang hawak na baril at granada.

Tiniyak naman ni Marilao Police chief Ricardo Pangan na paiiralin ang maximum tolerance at patuloy na hihikayatin si Santos na mapayapang sumuko.

Ayon sa pamilya ng dating bise alkalde, dumaranas ito ng depresyon dulot ng pagkatalo noong nakalipas na eleksyon.

Inamin ni Santos na gumamit siya ng droga pero matagal na umano niya itong itinigil.

4

Related posts

Leave a Comment