MAYORALTY CANDIDATE SA MARAWI INARESTO SA POLITICAL RALLY

marawi12

(NI JESSE KABEL)

INARESTO ng militar si dating Marawi City mayor Solitario Ali makaraang lumutang ito sa ginanap na PDP-Laban political rally sa nasabing lungsod na dadaluhan sana ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong  Biyernes sa Mindanao State University.

Sa impormasyong ibinahagi ng AFP 103rd Infantry Brigade ng Philippine Army, si Ali na tumatakbo bilang mayor ulit ng Marawi sa ilalim ng local party na PCP-Ompia, ay inimbitahan ng military upang magbigay-linaw sa pagkakasangkot niya sa Marawi siege noong 2017.

Sinabi ni Col. Romeo Brawner, commander ng 103rd Infantry Brigade, isinalang sa debriefing si Ali kaugnay sa nangyaring pagpasok ng ISIS influenced Maute –Abu Sayyaf terror group sa Marawi City.

Inihayag din ni Brawner na inihahanda na ng Office of the Judge Advocate General ng Armed Forces of the Philippines ang mga kaso laban kay Ali.

Nabatid na kabilang si Ali sa inilabas na listahan ng Department of National Defense Arrest Order kaugnay rin sa umiiral na Martial Law sa Mindnao.

Napag-alamang  inaresto na rin ng military ang anak ni Ali na si Marawi City Vice Mayor Arafat Salic dahil sa Marawi siege pero iniutos din ng Department of Justice na pakawalan ito dahil sa ilang teknikalidad

Ang kapatid ni Ali na si dating mayor Fajad Salic ay inaresto rin ng militar sa Cagayan de Oro ilang buwan na ang nakalilipas dahil sa pagkakasangkot sa aktibidad ng ISIS sa nasabing lungsod.

Hindi naman pumalag si Ali nang dakpin ito subalit tahasan niyang sinabi na wala siyang kinalaman sa Marawi siege at nakahanda umano siyang harapin ang mga kaso sa korte.

111

Related posts

Leave a Comment