MGA PROYEKTO NI RIZAL 2ND DIST. CONG. NOGRALES PATAPOS NA

0

HINDI naging hadlang ang COVID-19 sa mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Rizal 2nd Dist. Engineering Office upang tutukan ang kinatatakutang Mango Bridge sa bayan ng Rodriguez na posibleng sa isang saglit ay gumuho at tuluyang hindi madaanan matapos makitaan ng malaking bitak.

Nang makarating sa tanggapan ni Rizal 2nd District Congressman Fidel Nograles ang problema ay agad itong nakipagpulong sa mga opisyales ng DPWH upang pag-usapan ang dagliang pagsasaayos ng Mango Bridge.

Agad namang inatasan ni DPWH Rizal 2nd DEO, District Engineer Juliana Vergara ang Building and Construction Section sa pamumuno ng hepe nitong si Engr. Chito Paz kabilang na rin sa naatasan si Road Maintenance Chief, Engr. Catherine Tamayo upang pagtulungan ang pagsasagawa ng rehabilitation ng nasabing tulay.

Bagama’t hindi nakarating sa pormal na pagbubukas ng Mango Bridge si Rep. Nograles ay siniguro naman ng DPWH ang kaligtasan ng mga bibiyahe dahil maging ang mga heavy equipment gaya ng mga truck patungo at palabas ay puwedeng makadaan.

Samantala, tatlo pang malalaking proyekto mula sa congressional fund ni Nograles ang on-going construction at puspusan ang pagtutok sa paggawa upang magamit na ng mamamayan partikular ang mga Barangay Health Worker.

Nangako naman si D.E Vergara na patututukan niya nang husto ang mga proyekto tulad ng P19 million Multi-Purpose Facilities sa Upper Mapacla Brgy. First Dist, Jalajala, bukod pa ang P100 million construction improvement of access roads leading to declared tourism destinations Tanay-Pililia Road leading to Wind Wills nang sa gayon ay madaling makapasok ang turista at magkaroon ng hanapbuhay ang mamamayan.

Idinagdag pa ng DPWH official na ongoing construction ang P50 million Multi-Purpose Facilities sa San Francisco St., Brgy. Patunhay, bayan ng Cardona, Rizal.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng Rizal 2nd DEO partikular si D.E Vergara kay Congressman Nograles sa maganda nilang relasyon sa pagawaing bayan. “Siguro kung walang pandemya mas lalong bibilis ang trabaho,” aniya. (CESAR BARQUILLA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publicationโ€™s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment