MILITARY TAKEOVER SA COTABATO CITY PINANGANGAMBAHAN NG MORO GROUP

MILITARY TAKEOVER

NANGANGAMBA ang Suara Bangsamoro na magkaroon ng military takeover sa Cotabato City o sa iba pang Moro area matapos ang pagsabog sa isang mall sa Cotabato City sa bisperas ng Bagong Taon.

Ang pangamba ng moro group ay inihayag nang kondenahin nila ang nangyaring pagsabog sa South Seas Mall na ikinamatay ng 2 katao at ikinasugat ng mahigit 30.

Ipinanalangin naman ng grupo ang agarang paggaling ng mga nasugatan sa insidente at ang pagkakadakip sa mga tao na nasa likod ng pagpapasabog.

“We pray for the fast recovery of those wounded, most whom are our relatives, and hope that the real perpetrators will be apprehended,” said Suara Bangsamoro in a statement.

11

Related posts

Leave a Comment