MISIS PINATAY NG MISTER SA SIMBAHAN

crime200

CAGAYAN DE ORO CITY – PATAY sa simbahan ang isang ginang na umano’y binaril ng kanyang mister habang nagsisimba sa Poblaccion, Catarman Camiguin, Linggo ng umaga.

Sinasabing selos ang dahilan kung bakit binaril ang biktimang si Aimee Linao, 35. Matapos makitang duguan ang misis, nagbaril din sa ulo at dibdib si Celmar Linao, 37, isang overseas worker, gamit ang kanyang kalibre .45.

Ayon kay SPO2 Florenzo Soria, ng Catarman-Philippine National Police, nagkagulo ang mga tao sa loob ng San Roque Church nang umalingawngaw ang putok ng baril at bumulagta ang misis na sinundan naman ng asawa nito.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ang kaso.

7

Related posts

Leave a Comment