NA-DEPRESS SA ASTHMA, GOITER; GINANG NAGBIGTI

CAVITE – Hinihinalang dahil sa karamdamang asthma at goiter na nagdulot ng depresyon, ang dahilan ng pagbibigti ng isang 33-anyos na ginang sa Trece Martires City noong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Roxan, may asawa, ng Package 2, Sunshine Ville, Brgy. Cabuco, Trece Martires City.

Ayon sa ulat, bandang alas-6:20 ng umaga nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktima ng kapatid nitong si Raymark, sa kanilang bahay sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite.

Ayon kay Raymark, ang sakit na goiter at asthma ng biktima na nagdulot ng depresyon, ang nakikita nilang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang kapatid. (SIGFRED ADSUARA)

31

Related posts

Leave a Comment