NAPUPULOT NA COCAINE BINIBILI NG DRUG LORDS

cocaine1

(NI NICK ECHEVARRIA)

NANAWAGAN ang Philippine National Police (PNP) sa mamamayan na makakatagpo ng droga sa dalampasigan na huwag magpapasilaw sa salapi.

Ginawa ni PNP spokesperson P/SSupt. Bernard Banac ang panawagan matapos  mabisto na tinatapatan umano ng malaking halaga ng salapi ng mga drug lords ang alok na isang sakong bigas ng lokal na pamahalaan para sa bawat bloke ng matatagpuang droga sa dalampasigan.

Nabatid na umaabot na sa 80 bloke ng cocaine ang nakuhang lumulutang sa dalampasigan ng Dinagat, Siargao, Paracale at Camarines Norte na inireport ng mga reisdente.

Nauna nang pinasalamatan ni Banac ang pagmamagandang-loob ng mga lokal na residente na nag-report sa pulisya ng mga natagpuang bloke ng cocaine sa kanilang mga lugar.

Muling binigyang-diin ni Banac ang panawagan na hindi dapat magpasilaw ang mga residente sa salapi ng mga drug lords at sa halip ipagpatuloy ang ginagawang pagre-report sa pulisya sakaling may makita uling mga bloke ng cocaine at laging isaisip ang masamang epekto nito sa kanilang komunidad.

Samantala, nagbabala din ang PNP na makakasuhan ang sinumang magbebenta sa mga drug lords ng mga matatagpuang droga.

 

238

Related posts

Leave a Comment