NURSE BINARIL NI MISTER SA LOOB NG SASAKYAN, PATAY

NEGROS ORIENTAL – Patay ang isang nurse matapos na barilin ng kanyang mister sa loob ng kanilang sasakyan sa Dumaguete City, sa lalawigan noong Huwebes ng gabi

Kinilala ng Dumaguete City Police ang biktimang si Madelyn Bauzon Kinilitan, 36, tubong Calasiao, Pangasinan at residente ng Barangay Mangnao, Dumaguete City.

Ayon sa report, nakasakay sa kotse ang mag-asawa dakong alas-6:00 ng gabi, nang magkaroon umano ng pag-aaway ang dalawa.

Sa kasagsagan ng pagsasagutan, nagbunot ng baril ang 39-anyos na mister na si Ken Lloyd Kinilitan at pinaputukan ang asawa na nakaupo sa passenger seat. Tinamaan sa leeg ang ginang na agad nitong ikinamatay.

Dinala pa ng mister ang kotse sa Bag-ong Taytayan, Barangay Tabuc-tubig at doon iniwan ang sasakayan sa isang tulay.

Ini-report naman sa pulisya ng mga nakadiskubre sa bangkay, ang pangyayari.

Naaresto naman ng pulisya ang suspek sa pinatataguan nitong bahay ng kanyang kaibigan.

Lumabas sa imbestigasyon na pagseselos ng lalaki ang naging ugat ng krimen.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang nasabing suspek. (NILOU DEL CARMEN)

52

Related posts

Leave a Comment