P1.9-M ECSTASY NASABAT SA DELIVERY RIDER

CAVITE – Tinatayang P2 milyong halaga ng ecstasy ang nasabat sa isang deliver rider na kabilang sa listahan ng High Value Individuals (HVI) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa isang mall sa Bacoor City noong Huwebes ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5, Art. 1 ng RA 9165 ang naarestong suspek na si alyas “Randy”, 34, residente ng Pasay City.

Ayon sa ulat, bandang alas-7:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A Regional Special Enforcement Team at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) 4A sa open parking lot ng isang mall sa Brgy. Molino 4, Bacoor City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang pirasong resealable transparent plastic bag na naglalaman ng tinatayang mahigit sa 1,151 piraso na kulay blue na tabletas na hinihinalang ecstasy, na may standard price na P1,956,700. (SIGFRED ADSUARA)

81

Related posts

Leave a Comment