P1M PABUYA ALOK NI DUTERTE VS 4 POLICE KILLERS

cops55

(NI BETH JULIAN)

NAGLABAS ng P1 milyong pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte  sa sinumang makahuhuli sa mga mastermind, perpetrators, at main shooters sa apat na pulis sa Negros Oriental.

Ito ang inihayag ng Pangulo nang personal niyang puntahan at makiramay sa naulilang pamilya ng apat na pulis na nasawi matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Mabato, Ayungon, Negros Oriental noong Huwebes.

Sa command conference na isinagawa na pinangunahan ni Duterte, kasama ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, napag-usapan ang development na may kaugnayan sa imbestigasyon ng nasabing insidente.

Dito sinabi ng Pangulo na buhay man o patay ay mayroong reward na matatanggap sa mga makahuhuli sa mastermind, perpetrators, at main shooters sa apat na pulis.

Naglaan din ng P50,000 reward ang Pangulo para naman sa makahuhuli sa lahat ng conspirators o nakipagsabwatan sa nasabing insidente.

“The Office of the President expresses its condolences to all the loved ones of the slain policemen even as we condemn in the strongest terms their treacherous slaying. We will ensure that justice will be served to those behind this condemnable offense against our peace enforcers. The full force of the law will come crushing down on the perpetrators,” pahayag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo.

Matatandaan noong Huwebes, apat na pulis na sina PCpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callao, Pat. Roel Cabellon, at Pat. Marquino de Leon  ang patay nang tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Ayungon, Negros Oriental.

Sa mbestigasyon, sakay ng motorskilo at maghahain sana ng warrant of arrest ang mga pulis nang biglang pagbabarilin ang mga ito ng isang armadong grupo na tinatayang hindi bababa sa 20.

146

Related posts

Leave a Comment