PAGBUKAS NG CLARK INT’L AIRPORT INAASAHAN

clark12

(NI KIKO CUETO)

TARGET ng Clark International Airport na mabuksan na ng Miyerkules —  kung lalabas sa kanilang assessment na maari naman na matuloy ang kanilang operasyon —  kahit may bahagyang sira sa istruktura sa paliparan.

Sinabi naman ni Transport Secretary Arthur Tugade na magbubukas ang airport at pinakamatagal na ang Huwebes.

Ayon sa paunang report sinabi ni airport CEO Jaime Melo, na ang tower ay “operational and sustained no substantial damage.” Lumabas din na ang runway at taxi way ay “sound.”

Gayunman, aminado silang may “big damage” sa check-in counters at cracks sa ikalawang palapag.

“Most probably ang assessment ko, puwede nang magbukas,” sabi ni Melo.

May 104 flights ang kinansela nitong Martes matapos yanigin ng 6.1 magnitude na lindol ang Pampanga, Lunes ng hapon.

“Sisiguraduhin muna namin safety bago kami mag-operate,” sinabi nito.

Anim na pasahero at isang airport worker ang nagtamo ng bahagyang sugat sa gitna ng lindol.

Sinubukan naman sa Clark International Airport na magsagawa ng partial operations nitong Martes.

73

Related posts

Leave a Comment