LANDMINE DI KONEKTADO SA JOLO BOMBING

cotabato1

AGAD naglabas ng pahayag ang Philippine National Police (PNP) na walang kinalaman ang pagsabog na naganap sa North Cotabato sa malagim na pagsabog sa katedral ng Jolo noong Linggo ng umaga.

Patay ang isang pulis habang sugatan ang pitong iba pa nang sumabog ang hinihinalang anti-personnel mine sa Barangay Poblacion, Magpet, North Cotabato bandang alas-6 ng gabi.

Sinasabi na itinanim ang bomba ng mga rebeldeng New People’s Army at sumabog habang nasa checkpoint ang namatay na si PO1 Christopher Anadon. Naganap ang pagsabog matapos makipagsagupa ang 19th Infantry Battalion sa mga rebelde sa Barangay Bagumbayan kung saan napatay ang ilang rebelde sa 15-minutong bakbakan. Posible umanong ganti ng NPA ang pagtatanim ng landmine sa gilid ng kalsada.

188

Related posts

Leave a Comment