PAGSALAKAY SA MILF ITINANGGI NG AFP

milf20

(NI JESSE KABEL)

TAHASANG pinabulaanan kahapon ni 6th Infantry Division Commander Ltgen Cirilito  Sobejana na plano nilang salakayin ang hanay ng Moro Islamic Liberation Front na nagging sanhi tuloy ng massive evacuation.

Ayon kay Sobejana, malinaw na isa itong fake news na ipinakakalat ng mga nagnanais na manabotahe sa umiiral ngayong kapayapaan sa Mindnao .

Nitong nakaraang Lunes, nakipag dayalogo ang 2nd Mechanized Infantry Battalion at  6th Civil Military Operation Battalion kina Datu Item Ampatuan, 106th  Base Commander ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) , Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa lumang Madrasah, Brgy Dimampao, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Ang nasabing peace dialogue ay ginanap matapos na kumalat ang fake news at naglabasan ang mga tsismis na sasalakayin ng military ang MILF community sa area kaya lumikha ito ng takot sa mga residente at nagsilikas sa pangambang maipit sila sa labanan.

Makaraang makarating kay Sobejana ang nasabing fake news ay inatasan nito sina Ltc Alvin Iyog, Commanding Officer ng 2nd Mechanized Infantry Battalion at  6th CMO Battalion sa pamamagitan ni Major Aslim Ulangkaya para makipag-usap sa mga  MILF ground commanders, kasama ang local community at mga religious leaders.

Sina Major Jimmy Amoloy, Executive Officer ng 2nd Mechanized Battalion at  Major Ulangkaya ay nakipag dayalogo kina Datu Item Ampatuan .

86

Related posts

Leave a Comment