PALAWAN HINATI SA 3 LALAWIGAN; PIRMADO NA NI DU30

palawan12

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas kung saan hahatiin sa tatlong lalawigan ang Palawan.

Sa ilalim ng batas na nilagdaan ng Pangulo noong Abril 5 at isinapubliko lamang nitong Sabado,  ang Palawan ay hinati sa tatlong lalawigan – Palawan del Norte, Palawan Oriental at Palawan del Sur.

Ayon sa Republic Act 11259, ang probinsiya ng Palawan del Norte ay kabibilangan ng munisipalidad ng Coron, Culion, Busuanga, Linacapan, Taytay and El Nido.

Ang munisipalidad ng Roxas, Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cayancillo, at San Vicente ay maisasama naman sa ilalim ng Palawan Oriental.

Ang lalawigan ng Palawan del Sur naman ay kinabibilangan ng munisipalidad ng Aborlan, Narra, Quezon, Rizal, Espanola, Brooke’s Point, Bataraza, Balacbac at Kalayaan.

Ang bawat tatlong bagong probinsiya ay magkakaroon ng provincial governor, vice governor, sangguniang panlalawigan secretary at miyembro, provincial treasurer, assessor, accountant, budget officer, planning and development coordinator, engineer, health officer, administrator, legal officer, agriculturist, social welfare and development officer, veterinarian, at general services officer.

Gayunman, ang tatlong lalawigan ay maisasakatuparan lamang kung aaprubahan ng mayoryang residente  sa gaganaping plebesito sa ikalawang Lunes ng May 2020.

Sakaling maaprubahan, ang eleksiyon ng provincial officials ng bagong tatag na lalawigan ay mag-uumpisa naman sa ikalawang Lunes ng May 2022.

 

219

Related posts

Leave a Comment