PARI HULI SA CAVITE DRUG BUST

PARI200

(TEKSTO/PHOTO BY ROSS CORTEZ)

TIMBOG sa Anti Illegal Drug operation ng Bacoor Component Police Station sa Barangay Alima lungsod ng Bacoor Cavite, Huwebes ng hapon ang drug suspect na isang obispo ng simbahan at isa pa nitong kasamahan
Sa ulat ng pulisya, nabatid na nakabili ng isang pakete ng shabu ang poseur buyer sa suspek na si Fernando Dacuma, alyas ‘Nanding’, na agad ring nakatakas nang akmang aarestuhin na ng mga operatiba.
Naaktuhan namang nabatak ng shabu sa lugar ang dalawang naarestong suspek na kinilalang sina Bishop Richard Alcantara at Perlito Aliba, alyas ‘Bindo’, na ilang buwan na ring nasa surveillance ng Bacoor CPS at kabilang sa Street Level Target.
Aminado ang obispong suspek na nagamit siya ng shabu ay inaming siya ang nakunan ng surveillance video habang nabatak ng shabu
Napag-alaman din na kaya umano siya nagamit ng shabu ay dahil sa ginagawa niyang research kaugnay sa war on drugs ng gobyerno
Masasabi lang umano niya na kapani-paniwala sa mga napunta sa kaniyang misa na “wag kayong gagamit ng droga, dahil ganito ang epekto niyan” kung siya mismo ang nakakatikim nito.
Sa pahayag ni PSupt Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor CPS, nakapagmisa pa ang suspek nito lamang January 21, bago ang pagkaka aresto.
Isang bulto o katumbas ng limang gramo ang binabatak ng suspek, tatlong beses kada araw, na anya’y ginagawa niya sa nakalipas na dalawang taon kasabay sa sinasabi niyang “research work.”
Nasu-sustain umano nito ang bisyo dahil sa pera na ipinapadala sa kanya galing sa ibang bansa mula sa kinaaniban nitong simbahan sa England.
Nilinaw din ng opisyal na hindi miyembro ng simbahang Katoliko ang suspek at nabibilang ito sa ibang sekta ng simbahan.
Tapos ng Bachelor of Science in Theology ang suspek at inordinahan pa sa Katedral ng Imus City Cavite
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act ang mga naaretong suspek.

355

Related posts

Leave a Comment