PASYENTE NG TIGDAS DAGSA SA TARLAC HOSPITAL

tarlac1

(NI KIKO CUETO)

PATULOY na nadaragdagan ang bilang mga pasyente na itinatakbo sa Tarlac Provincial Hospital sa Tarlac City nang dahil sa tigdas.

Naunang isinama ang outbreak o pagtaas ng bilang ng mga kaso ng naturang sakit sa Central Luzon at iba pang rehiyon sa bansa.

Sa pinakahuling ulit, umabot sa 22 ang dagdag na kaso nitong weekend dahil umabot umano sa anim hanggang walong pasyente kada araw ang dinadala sa ospital dahil sa tigdas.

Kabilang sa mga nagsugod ng anak si Joy Lim.

Kwento niya, hindi raw niya napabakunahan ang dalawang taong gulang na anak kontra-tigdas.

“Sa hangin siguro, kasi dati inuubo lang siya, sinisipon tapos nilagnat siya, ayaw bumaba ng lagnat,” kuwento ni Lim.

Isang sanggol na 21 araw pa lang ang pinakabatang tinamaan ng tigdas na dinala sa Tarlac Provincial Hospital.

May 12 bayan at isang lungsod sa Tarlac na may measles outbreak, ayon sa Department of Health (DoH) sa Central Luzon.

Nagdeklara noong Miyerkoles ang mga opisyal ng DoH ng measles outbreak sa Metro Manila at Central Luzon. Sinundan naman ito ng pagdeklara ng oubtreak sa mga rehiyon ng Calabarzon, Western Visayas, at Central Visayas.

127

Related posts

Leave a Comment