HINAHARANG ng kampo ni presidential son Paolo Duterte ang piyansang P96,000 ni Senador Antonio Trillanes IV para sa pansamantala nitong paglaya sa kasong libel.
Sa mosyon, sinabi ng kampo ni Duterte na nabalewala na umano ang pagpiyansa ng senador nang umalis siya ng bansa nang hindi muna nagpapaalam sa korte ng Davao kung saan nakahain ang kasong libel.
Galing sa Europa, pinayagan umano ang senador ng Makati court kung saan kinakaharap ang kasong rebelyon na binuhay ilang taon na ang nakalilipas. Nakatakda ring umalis si Trillanes patungong Amerika sa Enero 27.
Sinabi ng kampo ni Duterte na nabalewala na umano ang pagpayag sa bail sa libel case nang pumunta ito sa ibang bansa nang walang pahintulot ang korte.
Ayon naman kay Judge Melinda Alconcel-Dayanghirang, hindi umano flight risk ang senador dahil sa boluntaryo nitong pagsuko nang malamang may arrest warrant laban sa kanya.
Si Trillanes ay kinasuhan ni Duterte dahil sa akusasyon na nag-uugnay sa kanya sa drug smuggling at extortion.
122