PUMALYANG VCM PROBLEMA RIN SA LAGUNA

comelec122

(NI NICK ECHEVARRIA)

PARE-PAREHONG problema ng pag shutdown ng mga vote counting machines (VCM) sa mga presinto sa iba’t ibang mga bayan at lungsod sa Laguna ang mga naitalang problema sa pagbubukas ng eleksiyon sa lalawigan, ayon sa mga Board Election Inspectors.

Problema din umano ang sobrang init ng panahon lalo na sa mga polling precincts kung saan dagsa ang mga botante. Sa mga pumapalyang makina, matiyagang naghihintay ang botante habang pansamantalang inilalagay ang hindi pa nabibilang na balota sa isang sealed na lalagyan. Ang mga BEI ang naglalagay sa VCM kapag nabuhay na uli ang machine.

May mga botante naman na tumatangging magsulat sa balota hanggang hindi gumagana ang machine at matiyagang naghihintay.

May mga machine na tumatagal ng 15 minuto bago uli mabuhay at meron naman na hindi na talaga gumagana.

335

Related posts

Leave a Comment