PUSHER NAPATAY, 7 PA HULI SA DRUG OPS

BULACAN – Napatay ang isang hinihinalang drug pusher makaraan umanong manlaban sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa San Jose del Monte City, habang pitong iba pa ang nadakip sa nabanggit nalungsod at sa bayan ng Norzagaray sa ikinasang anti-illegal drug operation sa nabanggit na lalawigan noong Lunes.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napatay na suspek na si Tommy Catalla y Gala habang nakatakas ang kasama nito lulan ng motorsiklo.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:25 ng hapon, nagkasa ang SDEU ng SJDM City police ng buy-bust operation sa Barangay Assumption at target si Catalla na angkas ng motorsiklo.

Ngunit nakatunog si Catalla na undercover agent ang katransaksyon kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang mga awtoridad na nagresulta sa kanyang pagkamatay, habang nakatakas ang kanyang kasama.

Samantala, nadakip naman ang drug suspects na sina Eddie Catalla y Balais, Leo Garcia y Agbayani, Ivan John Gala y Bautista, Jerome Gala y Nacilan, John Jury Gala y Nacilam, Marie Censon y Seldan at Perry Suarez y Dionisio sa SJDM City at sa bayan ng Norzagaray. (GINA BORLONGAN)

 

318

Related posts

Leave a Comment