RESORT NINAKAWAN, SEKYU PINATAY

QUEZON – Pinagnakawan muna bago pinatay ang security guard ng isang resort sa Lucena City sa lalawigang ito, noong Linggo.

Natagpuang wala nang buhay ang biktimang si Ivy Christian Ilagan Quizon, 37, ng kapwa sekyu na si Ferdinand Rago ng ABS Resort, Purok Puting Buhangin, Brgy. Cotta, Lucena City.

Agad ipinagbigay-alam ni Rago sa Lucena CPS ang insidente makaraang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng guard house bandang alas-6:00 ng umaga.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, may tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima at nawawala ang sling bag nito, dalawang cellphone, wallet, motorsiklo at service firearm na nakarehistro sa Kandal Security Services. (CYRILL QUILO)

220

Related posts

Leave a Comment