SAFETY VAULT ‘DI NABUKSAN, NAGTIYAGA SA CELLPHONE KAWATAN BUKING SA CCTV

CAVITE – Hindi nabuksan ang safety vault, nagtiyaga na lamang sa isang cellphone ang isang 22-anyos na lalaking nahagip ng Closed Circuit Television (CCTV) habang nagnanakaw sa isang tindahan sa Gen. Trias City sa lungsod na ito.

Nakakulong na sa Gen. Trias City Custodial Center ang suspek na si Melbert Mercado, walang trabaho, ng NIA Road, Brgy. San Juan I sa naturang lungsod, dahil sa reklamo ni Marcianito Chavez Jr., area manager ng Alfa Mart Store sa Brgy. San Juan, Gen. Trias City branch.

Sa salaysay ni Chavez kay P/SSgt. Armien Matro ng Gen. Trias City Police Station, dakong alas-6:00 ng umaga nitong Huwebes nang matuklasan ng mga personnel ng nasabing tindahan na bukas ang cash register.

Napansin din nila na may butas sa kisame na pinaniniwalaang dito pumasok at lumabas ang suspek.

Tinangka rin ng suspek na buksan ang safety vault ngunit nabigo kaya kinuha na lamang ang isang cellphone.

Nang kanilang rebyuhin sa Closed Citcuit Television (CCTV) ay nakilala ang suspek na nagresulta sa pagkakaaresto nito. (SIGFRED ADSUARA)

 

62

Related posts

Leave a Comment