Sanggol himalang nakaligtas MOTORSIKLO SINURO NG TRUCK, 4 PATAY

ZAMBOANGA Sibugay – Apat katao ang namatay kabilang ang isang 4-anyos na bata, makaraang banggain ng pick-up truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bayan ng Upper Tungawan sa lalawigang ito, noong Lunes ng tanghali.

Ayon sa ulat ng PNP-Police Regional Office-9, kinilala ang mga namatay sa insidente na sina Zian Arquiza, 4-anyos; Arnold Arquiza, Hazel Pepito Wamilda, at ang driver ng motorsiklo na si Diosdado Villaruez.

Mapalad namang nakaligtas ang isang taong gulang na sanggol na angkas din ng motorsiklo.

Lumitaw sa pagsisiyasat, nawalan ng kontrol sa kanyang sasakyan ang driver ng pick-up nang madulas ito dahil sa nakakalat na lupa sa kalsada naging dahilan upang salpukin nito ang kasalubong na motorsiklo ng mga biktima.

Agad namang sumuko sa mga pulis ang driver ng pick-up na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injuries at damage to property. (JESSE KABEL)

 

83

Related posts

Leave a Comment